Hindi pa rin pala ayos ang lahat sa pamilya Barretto mismo magkakapatid ang nagbisto na nagkagulo sila sa harap ni Pangulong Duterte sa burol ng kanilang ama. Navideohan pa ni Claudine Barretto nang magkayakapan ang kanyang ate Gretchen at mommy Inday sa harap ni Pangulong Duterte sa burol ng kanilang padre de pamilya noong miyerkules. Nagcaption pa ang aktres ng "And then we are complete". Pero pagkatapos nito may nangyari pa palang gulo. Sa videong ito na shinare ni Gretchen sa Instargram maririnig ang tila pagbagsak g mga upuan. Dito na nagkagulo ang mga bisita.

Source:

 
Top